"Wikang
Mahal KO, Dangal ng Bawat Pilipino"
Ang mga impormasyong nakapaloob sa usaping ito ay ang mga sumusunod:
Bihasa kaba sa Wikang Filipino? Ipinagmamalaki mo ba na alam mo ito?aba! dapat lang , dahil bilang isang Pilipino naipapakita natin ang ating pagiging makabayan sa pamamagitan ng paggamit ng ating sariling wika, ang Wikang Filipino. Marahil ay karamihan sa atin ay mas bihasa sa mga banyagang wika, at hindi lubusang nagagamit at nauunawaan ng mabuti ang wikang pambansa dahilsa mga samot-saring kadahilanan. Kaya ang layunin ng impormasyongaking kinalap ay upang matugunan ang mga dapat ninyong malaman ukol sa pinagmulan ng ating wikang pambansa, ang Wikang Filipino at kung bakit dapat nating itong ipagmalaki at bigyang halaga na siyang nagbibigay dangal sa atin bilang isang mamamayangpilipino.
Ang mga impormasyong nakapaloob sa usaping ito ay ang mga sumusunod:
- · KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO
- · TATLONG HALIGI NG PAMBANSANG WIKA
- · EBOLUSYON NG ALPABETONG FILIPINO
- · ANO ANG WIKANG FILIPINO
- · ANO ANG WIKA
- · FILIPINO BILANG ISANG ASIGNATURA
- · LAYUNIN NG FILIPINO DEPARTMENT
- · MGA ASSIGNATURANG ITINUTURO SA FILIPINO
1. Ang Kasaysayan ng Wikang Filipino
Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla at ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo.Bawat isa SA mga grupong ito ay may kani-kaniyang sariling wika. Ayon kay Dr. ErnestoConstantino (Magracia at Santos, 1988:1) mahigit sa limandaang (500) mga wika at wikain angginagamit ng mga Pilipino. SA ganitong uri ng kaligiran, isang imperatibong pangangailanganpara SA Pilipinas ang pagkakaroon ng isang wikang pambansang magagamit bilang instrumentong bumibigkis at simbolo ng ating kabansaan o nasyonalidad. SA panahon ng Kastila, lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Matagumpay nanahati at nasakop ng mga dayuhan ang mga katutubo. Napanatili nila sa ilalim ng kanilangkapangyarihan ang mga Pilipino nang humigit-kumulang sa tatlongdaang taon. Hindi nilaitinamin sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis ng kanilangmga damdamin. Sa halip, ang mga prayleng Kastila ang mga nag-aral ng katutubong wika ngiba’t ibang etnikong grupo. Ang wika ng mga katutubo ang naging midyum ng komunikasyon sapanahong yaon; ang naturang wika ang siyang ginamit ng mga prayleng Kastila sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga katutubong Pilipino. Hindi rin itinuro ng mga Espanyol ang kanilang wika, ang wikang Kastila, sa mgakatutubo na takot na magkabuklud-buklod ang mga damdamin ng mga mamamayan at mamulatsa tunay na mga pangyayaring nagaganap sa kanilang lipunan at tuloy matutong maghimagsiklaban sa kanilang pamamahala. Sa panahon ng Propaganda (1872), Tagalog ang wikang ginamit sa mga pahayagan.Pinagtibay ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899 ang wikang Tagalog bilang wikangopisyal. Sa panahon ng Amerikano, Ingles ang wikang ginamit na midyum ng pagt5uturo sa mgapaaralang-pampubliko. Bukod sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo, ang mga paksangpinag-aralan sa loob ng klase ay tungkol sa mga Amerikano, ang kanilang kasaysayan, literatura,kultura, ekonomiya at pulitika. Sa panahong ito, ipinagbawal ang pag-aaral sa ano mang bagayna Pilipino kaya interesado ang mga estudyante sa mga bagay na may kaugnayan sa Pilipino.Higit nilang tinangkilik ang mga bagay na Amerikano. Ito ang simula ng pagkakaroon ngkolonyal na mentalidad ng mga katutubong mamamayan na naman at itinaguyod ng mga Pilipinohanggang sa kasalukuyang henerasyon. Noong 1925, sa pamamagitan ng sarbey ng Komisyong Monroe, napatunayang maykakulangan sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa mga eskwelahan, subalit walanamang pagbabagong ginawa.
2. Noong 1931, si Butte, ang bise gobernador-heneral na siya ring kalihim ng pambayangtpagtuturo ay nagpanukalang gawing bernakular ang pagtuturo sa primarya. Sa mga panahong pinagtatalunan ang problema tungkol sa wika, maraming sumulattungkol sa gramar ng Tagalog, kasama na nag paggawa ng diksyunaryo. Nais nilang ipakitangang wikang Tagalog ay isang mayamang wika na maaaring gamitin bilang wikang panturo, athigit na lahat, bilang wikang pambansa (Rubin at Silapan, 1989:6). Wala pa ring naging kalutasan sa problema tungkol sa wika dahil ipinaglaban atpinangatawanan ng Kawanihan ng Pampublikong Paaralan ang paggamit ng wikang Ingles.Matatag namang sinalungat ito nina Rafael Palma at Cecilio Lopez. Hindi kayang labanan ng mga tumatangkilik at nagmamahal sa wikang katutubo angpuwersang tumataguyod sa wikang Ingles sa dahilang walang pagkakaisa ang mga nasabinggrupo; watak-watak din sila dahil bawat isa’y sariling literatura at kani-kaniyang wika angbinibigyang-pansin. Kung tutuusin, Tagalog ang wikang ipinanlaban sa wikang Ingles. Angmanunulat ay gumawa ng mga hakbang upang punahin ang wikang Ingles (Magracia at Santos,1988).Una – bumuo sila ng mga samahang pupuna sa wikang Ingles.Ikalawa- sumulat sila tungkol sa iba’t ibang sangay ng panitikan tulad ng: sanaysay, maiklingkuwento, nobela, tula at dula.Ikatlo – nahati ang mga manunulat sa dalawang grupo; manunulat sa panitikan at manunulat sawika. Ang mga nasabing manunulat ay gumawa ng librong panggramar sa Tagalog upangmapalaganap ang wika (Rubin at Silapin, 1989:7). Noong 1934, lubusang pinag-usapan sa Kumbensyong Konstitusyunal ang hinggil sawika. Sumasang-ayon ang maraming delegado sa iba’t ibang panig ng kapuluan na dapat wikangbernakular ang maging wikang pambansa ngunit matatag na sinalungat ito ng mga tumataguyodsa wikang Ingles. Para sa mga maka-Ingles, ang nasabing wika ang magsisilbing – daan sapaghahanap ng trabaho. Naniniwala ang maka-Ingles na kapag marunong kang magsalita ngbanyagang wikang ito, makakamit mo ang mataas na posisyon sa gobyerno. Kung komersiyonaman ang pag-uusapan, naniniwala pa rin silang ang mahuhusay lamang magsalita ng Inglesang maaaring makipagnegosasyon. Nakalimutan ng mga maka-Ingles ang naibibigay nakahalagahan ng isang bernakular na wika sa pagpapaunlad at pagpapasulong ng kultural,ekonomiko at pulitikal na sistema ng buhay ng mga Pilipino. Ngunit nabanaagan ng tagumpay ang mga nagmalasakit sa sariling wika nangmagmungkahi ang grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa.3. Mga umiiral na wikain sa Pilipinas.
Ang mungkahing ito ay sinusugan naman ni G. Manuel L.Quezon na sa panahong yaon ay president ng Komonwelt ng Pilipinas. Ang pagsusog na ginawang pangulo sa nasabing mungkahi ay nakasaad sa probisyon sa Artikulo XIV ng Konstitusyon ngPilipinas ng 1935: “ Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isangwikang pambansa na bata sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Hangga’t hindi itinatakdang batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling mga opisyal na wika.” Nagkaroon ng maraming talakayan hinggil sa isyung kung sa anong wika ibabatay angpagpili ng wikang pambansa na hindi magkakaroon ng negatibong saloobin ang ibang etnikonggrupo. Ayon kina Prop. Emma Magracia at Prop. Angelina Santos ng MSU- IIT (1988.7) bataynga sa probisyon ng 1935 Konstitusyon, pinagtibay ng Asemblea ng Komonwelt ng Pilipinas angBatas Komonwelt Bilang 184 na nagtatag ng isang Surian ng Wikang Pambansa na ang tanginggawain ay ang pag-aaral ng mga wikang pangunahing ginagamit sa Pilipinas at pumili ng isangpanlahat na wikang pambansa batay sa isa sa pinakamaunlad na umiiral na katutubong wikaayon sa balangkas , mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararamingPilipino. Ang mga miyembrong naatasan ng Surian upang magsagawa ng pag-aaral ay binubuonina: Jaime C. Veyra – tagapangulo, kumakatawan sa Samar Cecilio Lopez – kalihim, kumakatawan sa rehiyong Tagalog Santiago A. Fonacier – Ilokano Filemon Sotto – Cebu Felix S. Solas Rodriguez – Hiligaynon Hadji Butu – Muslim Casimiro F. Perfecto – Bicol Maoobserbahan na ang mga miyembro ng Surian ay mula sa iba-ibang rehiyon atkumakatawan sa ilang pangunahing wika sa Pilipinas.
4. Sa pag-aaral na isinagawa ng mga kagawad ng Surian, kanilang napagkasunduan naTagalog ang gawing batayan ng wikang pambansa dahil ang naturang wika ay tumugma, pumasaat umayon sa pamantayang kanilang binuo. Ang ilang pamantayang nabuo ng lupon nanasasabing maihahanay ang Tagalog sa istandard nito ay tulad ng : ang wikang pipiliin ( Rubin atSilapan, 1989:9 ) ay wika ng sentro ng pamahalaan, wika ng sentro ng edukasyon, sentro ngkalakalan at wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan. Noong Nobyembre9, 1937, isinubmite ng miyembro ng Surian ang anilang rekomendasyon kay Presidente Quezonna Tagalog ang napiling maging batayan ng wikang pambansa. Lumabas ang KautusangTagapagpaganap Bilang 134 noong Disyembre 30, 1939, makaraan ang dalawang taon, nagkabisa ang kautusang ito. Noong Abril 1, 1940, binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang diksyunaryo atisang gramar ng wikang pambansa. Noong Hunyo 19, 1940, sinimulang ituro ang wikangpambansa na batay sa Tagalog sa mga paarang pampubliko at pribado. Ang wikang pambansa sa panahon ng pananakop ng mga Hapones ay nagkaroon ngpagsulong dahil ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa ano mang aspekto ng pamumuhay ngmga Pilipino. Ipinagbawal din ang paggamit ng lahat ng mga libro at peryodikal nauukol saAmerika. Nang magbukas ng paaralang pampubliko ang mga Hapones, wikang Tagalog angginamit na midyum ng pagtuturo. Itinuro rin ang wikang NIponngo o Hapon sa lahat ng antas. Sabisa ng Ordinansa Bilang 13, ginawang mga opisyal na wika ang Tagalog at Niponggo.Masasabing naging maningning, namulaklak at umunlad ang wikang pambansa sa panahon ngmga Hapones. Noong Hulyo 4, 1946, Araw ng Pagsasarili, ipinahayag na ang wikang opisyal saPilipinas ay Tagalog batay sa Batas Komonwelt Bilang 570. Sa panahong ito nabalam na namanang pagpapaunlad sa wikang pambansa dahil muling namayagpag ang wikang Ingles bilangmidyum ng komunikasyon sa mga pahayagan at pamahalaan. Sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 12 na nilagdaan ni Presidente RamonMagsaysay noong Marso 26, 1951, ipinagdiwang ang Linggo ng Wikang Pambansa. Nagsimulaang pagdiriwang mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon. Pinili ang linggong ito para sapagdiriwang bilang parangal kay Francisco Balagtas dahil Abril 2 ang kaarawan ng makata. Sasumunod na taon, sa bisa ng Proklamasyon Bilang 186 na ipinalabas ni Presidente RamonMagsaysay rin, ang pagdiiwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay inilipoat mula Agosto 13hanggang Agosto 19 taun-taon bilang parangal sa dating Presidente Manuel L. Quezon na siyangitinuturing na Ama ng Wikang Pambansa. Itinaon ang nasabing pagdiriwang sa araw ngkapanganakan niya.
5. Pinalitan ang dating katawagang Wikang Tagalog sa Wikang Pilipino Bilang wikangpambansa noong Agosto 13, 1959, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 na ipinalabasni G. Jose E. Romero, ang dating kalihim ng Edukasyon. Higit na binigyang-halaga ang paggamit ng wikang Pilipino sa panahong ito. Nagingpopular na wika ito. Lahat ngtanggapan at gusali ng gobyerno ay pinangalanan sa Pilipino; angmga dokumentong panggobyerno tulad ng panunumpa sa trabaho, pasaporte at visa ay nakasaadsa Pilipino; ang pamuhatan ng mga korespondensya opisyal ay nakasulat sa Pilipino o d kaya aykatumbas sa Pilipino. Ginamit na rin ang wikang Pilipino sa iba’t ibang lebel ng edukasyon patina rin sa mass media tulad ng telebisyon, radio, komiks, magasin at dyaryo. Sa kabila ng mga pagbabagong-ito, hindi pa rin matanggap ng ibang sector ang Pilipinobilang wikang pambansa. Marami pa ring sumasalungat sda pagkakapili sa naturang wika bilangsimbolo n gating kabansaan. Maraming mga pagtatalong pangwika ang naganap sa 1972 KumbensyongKonstitusyunal; naging mainit na isyu ang probisyong pangwika hanggang sa ang naging resultang maraming pagtatalo at pag-aartal ay ang probisyong Seksyon 3 (2) ng Artikulo XV sakasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas: Samantalang ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sapagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na kikilalaningFilipino. Masasabing isinilang na ang Filipino, ang bagong katawagan sa wikang pambansa ngPilipinas simula pa noong 1972 sa Kumbensyong Konstitusyunal at pormal na pinagtibay noong1973 Konstitusyon ngunit hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibayat pambansang pag-iimplementa nito. Sa panahon ni Presidente Aquino, binuo niya ang Komisyong Konstitusyunal ng 1986.Ang nasabing komisyon ay may 48 miyembro. Noong Oktubre 12, 1986, pinagtibay ngKomisyon ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Matutunghayan sa Artikulo XIV, Seksyon 6, ang probisyon tungkol sa wika nanagsasaad: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapatpayabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mgawika.”
6. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa dapat pagpasiyahan ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod angpagggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturosa sistemang pang-edukasyon. Ang nasabing Artikulo IV, Seksyon 7, ay nagsasaad: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal sa mgarehiyon at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon.” “Dapat itaguyod nang kusa at opsyunal ang Kastila at Arabic.” Noong Pebrero, 1987, niratipika ng mga mamamayang Pilipino ang probisyon ng 1986Konstitusyon at tinawag itong 1987 Konstitusyon. Noong Mayo 21, 1987, nagpalabas si Dr.Lourdes Quisumbing, ang dating Sekretarya ng Edukasyon, Kultura at Isports ng KautusangPangkagawaran Bilang 32, serye ng 1987, na pinamagatang “Patakaran sa EdukasyongBilinggwal ng 1987.” Ang nasabing patakaran ay nagsasaad ng “pagpapalaganap ng Filipinobilang wika ng literasi” at ang paggamit ng Ingles bilang “di-eklusibong wika ng siyensya atteknolohiya.” Noong Mayo 27, 1987, lumabas ang kasunod na Kautusang PangkagawaranBilang 54, serye ng 1987, na pinamagatang “Panuntunan ng Implementasyon ng Patakaran saEdukasong Bilinggwal ng 1987” , at naglalahad ng mga dapat isagawa ng iba-ibang ahensyangpang-edukasyon sa Pilipinas para sa implementasyon ng Patakaran sa edukasong bilinggwal ngbansa. Ang nasabing patakaran ay may nakalaang mga insentibo at mga karagdagang sahod.May pangangailangan ding matuto ang mga guro ng Filipino sa lahat ng lebel ng edukasyon sabuong bansa, upang magamit ang wikang Filipino sa pagtuturo ng anumang asignatura. Ang dating Presidente ng Pilipinas, si Gng. Corazon C. Aquino ay nagpakita ng suportasa pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa pamahalaan. Nagpalabas siya ng suporta sapagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa pamahalaan. Nagpalabas siya ng AtasTagapagpaganap Bilang 333, serye ng 1988, na “nag-aatas sa lahat ng kagawaran, departamento, kawanihan, opisina, at ahesya ng Pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kinakailanganpara sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon atkorespondensya.” May utos din si Gng. Aquino noon na ang mga opisinang pampubliko, mgagusali at mga karatula sa mga opisina ay dapat na isalin sa Filipino. Wika nga ng dating Presidente, “Ang pagpupunyaging gamitin ang Filipino sapamahalaan ay makakatulong sa sambayanan na maintindihan at lalong pahalagahan ang mgaprograma ng gobyerno kasama na ang mga proyekto.” Bilang pangwakas, ang malaking katanungang nangangailangan ng kasagutan ay: Saannakasalalay ang tagumpay ng pagkakasabatas ng Wikang Filipino?
7. Ayon kina Prop. Ligaya T. Rubin at Dr. Ofelia J. Silapan ng Unibersidad ng Pilipinas ,“Ang tagumpay ng Wikang Pambansa ay nakasalalay sa kamay ng mga namamahala ng bansa,sa Kongreso, sa mga korte, sa mga eskwelahan, at sa iba pang mga ahensya o institusyon.”
LOPE K. SANTOSSetyembre 25, 1879 – Mayo 1, 1963
Isinilang sa Lalawigan ng Rizal. Nagtapos siya ng Kursong Journalism. Kilalang manunulat, makata sa Tagalog at Paham ng Wika. Sinulat niya ang Obra Maestrang “Balarila ng Wikang Pambansa”.Dahilan dito ay kinilala siya bilang Ama ng Balarilang Filipino.Binuo niya ang unang Filipinong lingguhang pahayagan, ang “Sampaguita”.Naging Gobernador ng Rizal (1911–1913), Gobernador ng Nueva Vizcaya (1914–1920), at naging Senador (1921–1922) ng ika–12 Distrito (Mindanao, Sulu, Mountain Province, Nueva Vizcaya). Bilang Senador, isinabatas niya ang pagkilala sa Araw ni Andres Bonofacio at ipinaglaban ang karapatan ng mga manggagawa. Nagsilbi rin siya bilang direktor ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1941–1945.
Fracisco (Balagtas) Baltazar
Abril 2, 1788 – Pebrero 20, 1862
Makata at manunulat na ipinanganak sa Bigaa (ngayon ay Balagtas) Bulacan. Nag–aral ng Pilosopiya at Batas Kanon. Marami siyang isinulat na awit, korido at moro–moro. Nabilanggo dahil sa paratang ng kanyang karibal sa panliligaw. Sa kulungan isinulat niya ang walang kaparis na epikong tula, ang Florante at Laura. Nang lumaya ay nanahan at nag–asawa sa Orion, Bataan. Doon ay naglingkod bilang tinyente ng bayan, hukom ng lupang taniman at tagasaling–wika sa korte. Muling nabilanggo dahilan sa ginupit daw niya ang buhok ng katulong ng isang taong mayaman. Sa muling paglaya ay nagsulat ng tula at nagsaling–wika ng mga dokumento dahil ang kanyang pamilya ay naghirap dahil sa pagbayad sa kanyang pagkakakulong. Si Balagtas ang naging idolo ng mga bayaning Filipino tulad ni Jose Rizal at Apolinario Mabini. Tinagurian siya ng kasaysayan bilang Prinsipe ng makatang Tagalog.
Manuel L. QuezonAgosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944
Ipinanganak sa Baler, Aurora, nakipaglaban noong panahon ng digmaan sa pagitan ng Amerikano at Filipino. Makaraang sumuko ay nagpatuloy ng pag–aaral at nagtapos ng abogasya. Nakapasa sa bar noong 1903, naglingkod siya bilang Gobernador ng Tayabas. Noong 1907 ay nanalo bilang miyembro ng Asemblea ng Pilipinas at naging Majority Floor Leader. Noong 1909 hanggang 1916 ay nahirang siya bilang Resident Commissioner para sa Washington D.C..Noong 1918 ay nanalo siya bilang senador.Noong 1935, naging unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas. Ipinaglaban niya ang karapatang pantao, reporma sa lupa at karapatang bumoto ng mga kababaihan. Noong Disyembre 13, 1937, ideneklara niya ang wikang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Makaraan ang dalawang taon ay ginawang Pambansang Wika ang Tagalog ayon sa Batas Komonwelt 184. Dahil dito nakilala si Quezon bilang Ama ng Wikang Pambansa.
"EBOLUSYON NG ALPABETONG FILIPINO"
NangdumatingangmgaKastila,maysarilinangpalatitikanangatingmganinuno,angAlibataoBaybayin,nabinubuong14katinigat3patinig.PinalitanitongmgaKastilangalpabetongRomano.
1940–binuoniLopeK.SantosangAbakada,namay20titik:a,b,k,d,e,g,h,i,I,m,n,ng,o,p,r,s,t,u,w,y.
Oktubre4,1971–pinagtibayngSanggunianngSWPangpinayamangalpabeto,nabinubuong31letra:a,b,c,ch,d,e,f,g,h,i,j,k,l,ll,m,n,ñ,ng,o,p,q,r,rr,s,t,u,v,w,x,y,z
MataposangRepormangOrtograpiko,nabuoangsumusunodnaAlpabetongFilipino,namay28letra:a,b,c,d,e,f,g,h,i,j,k,I,m,n,ñ,ng,o,p,q,r,s,t,u,v,w,x,y,z
2001–mulingnagkaroonngrebisyonsaalpabetongFilipino.ItinaguyodnitoangleksikalnapagpapayamanngFilipinosapamamagitanngpagluluwagsapanghihiramngsalitaatpagsasalin,karamihanmulasaInglesatKastila,gamitangwalongkaragdagangletrangalpabeto,angmgaletrangc,f,j,ñ,q,v,x,z.Oktubre9,2006–sakahilinganngKWF,angDepEdaynagpalabasngisangmemorandumnapansamantalangnagpapatigilsaimplementasyonng“2001RevisyonngAlfabetoatPatnubaysaIspelingngWikangFilipino”.
Agosto,2007–inilabasngKWFangboradorngOrtograpiyangWikangPambansa.
Mayo20,2008–inilabasngKWFangGabaysaOrtograpiyangWikangPambansa.
·
Ano Ang Wikang
Filipino
·
Ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang wikang Ingles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng
1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto na
pamantayang bersyon ng wikang Tagalog,
bagaman de jure itong iba rito.
· Kasaysayan
at sariling katangian
·
Noong Nobyembre 13, 1937, inilikha
ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng
Wikang Pambansa, Na pinili ang wikang Tagalog bilang
batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa
Tagalog ng mga sumusunod:
- Sinasalita
ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa
lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon
sa mga taumbayan ng kapuluan.
- Hindi
ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
- Ang
tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at
malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na
mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong
wikang Awstronesyo.
- Ito
ang wika ng Maynila, ang kabisera ng pampulitika at pang-ekonomiya ng
Pilipinas.
- Ito
ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
Pilipinas.
·
Noong 1961, nakilala ang wikang ito
bilang Pilipino upang
mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas
ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang
itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV,
Seksyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa
halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take steps towards the development and
formal adoption of a common national language to be known as Filipino.”
Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na
ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos,
ang anumang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong
ipinagpatuloy na “as [Filipino] evolves, it shall be further developed and
enriched on the basis of existing Philippine and other languages.” Tiniyak pa ng isang resolusyon noong Mayo 13, 1992, na ang Filipino “ang katutubong wika,
pasalita at pasulat, sa Metro Manila,
ang Pambansang Punong Rehiyon, atsa iba pang sentrong urban sa
arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.”
Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang
kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa
teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Lungsod Davao.
·
Mga
naiibang pananaw at panukala
·
Bagamat naitakda na sa Saligang
Batas at mga kaugnay na batas ang sariling katangian ng Filipino, may
nananatili pa ring mga alternatibong panukala sa kung ano dapat ang maging
katangian ng wikang Filipino. Gayumpaman, nararapat itong maibukod sa mga
nagdaraing lamang na, sa kasalukuyan, ang Filipino ay de facto na iisa sa Tagalog at na ang pampublikong paggamit ng
Filipino ay sa katotohanan ang paggamit ng Tagalog.
- ANO ANG WIKA?
- Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
- Kahalagahan
Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayankatulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham,teknolohiya at industriya.
A. Instrumento ng Komunikasyon - ginagamit ng tao ang wika sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Kung minsan, hindi kinakailangang ang isang tao ay magkaroon ng mataas na kaalaman sa isang wika upang maipahayag nya ang kanyang saloobin. Ang kawastuang gramatika ay hindi na gaanong pinapansin lalo na kung ang nag-uusap ay may magkaibang wika. Sapat nang maipahayag ng bawat isa ang konseptong nais nilang iparating sa wikang pareho nilang mauunawaan. Ang mahalaga sa komunikasyon ay pagkakaunawaan.
B. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng kaalaman - maraming kaalaman ang naisasalin sa bawat saling-lahi sa pamamagitan ng wika. Kung ang isang tao ay nakatuklas ng isang mahalagang kaalaman, ang kaalamang ito ay sinusulat niya o kaya'y sinasabi sa isang kakilala. Dahil dito ang kaalamang kanyang natuklasan ay hindi kasamang nalilibing kapag ang taong nakatuklas ay namatay na. Kung sakaling matapos matuklasan ni Benjamin Franklin ang kuryente siya ay namatay nang hindi man lang nya ito naisulat o hindi man lamang nasabi sa isang kakilala, Marahil ay wala pa tayong kuryente ngayon. Sa ganitong pagkakataon masasabi nating ang wika ay gumanap ng tungkuling pag- iingat sa kaalaman. Sa pamamagitan ng wika ang kaalaman ay nanatili o napangangalagaan. Wika rin ang ginagamit na midyum upang ang nabanggit na kaalaman ay mapalaganap. Mabisang gamitin ang wika sa pagtuturo at pagpapalaganap ng kaalaman sa loob at labas ng paaralan.
C. Nagbubuklod ng Bansa - ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang mga mamayan nito. Kung titingnan nating ang mga bansang kalapit natin, mapapansing lahat sila ay nagsisikap na malinang ang kanilang pambansang wika. Ang China na siyang pinakamalaking bansa sa daigdig ay may isang pambansang wika, ang Mandarin. "Ang mga Indonesyan, noong sila ay nakikipaghamok sa mga Olandes upang makamit ang kalayaan ay sumisigaw ng "Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tuna-ir!" (Isang Bansa! Isang Wika! Isang Inangbayan!). Maagang nakilala ng mga Indonesyan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pambansang wika upang ang kanilang mga mamayan ay mabuklod. Kaya naman ang unang ginawa nila matapos makamit ang kasaimlan ay bumuo sila ng isang Bahasa Indonesya na ngayon ay kanilang wikang pambansa buhat sa lahat ng wikaing sinasalita sa kanilang bansa." (Relova: 1973)
D. Lumilinang ng Malikhaing pag-iisip - ayon kay Reynaldo L. Aguilar (1994), ito ang pinakamahalagang tungkuling ng wika, sapagkat dito pinaiiral ang malikhaing paglalang ng mga bagong pamamaraan at bagong paniniwala. Sa tungkuling ito, ang wika ay kinakailangang matatas at maunlad. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela, parang nararamdaman natin ang nararamdaman ng pangunahing tauhan dahil pinagagana ng wika at ating imahinasyon. Sa pamamagitan ng payak at tiyak na panuto, naituturo sa ating ang paggawa ng isang bagay kahit hindi natin nakikita kung paano ito ginagawa. Dahil sa wika maraming mga bagay ang nabubuo, nalilikha o naiimbento. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng idea ng mga tao, nakabubuo sila ng mga bagong konsepto na humahantong sa paglikha o pag- imbento ng mga bagong bagay. A. Instrumento ng Komunikasyon - ginagamit ng tao ang wika sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Kung minsan, hindi kinakailangang ang isang tao ay magkaroon ng mataas na kaalaman sa isang wika upang maipahayag nya ang kanyang saloobin. Ang kawastuang gramatika ay hindi na gaanong pinapansin lalo na kung ang nag-uusap ay may magkaibang wika. Sapat nang maipahayag ng bawat isa ang konseptong nais nilang iparating sa wikang pareho nilang mauunawaan. Ang mahalaga sa komunikasyon ay pagkakaunawaan.
B. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng kaalaman - maraming kaalaman ang naisasalin sa bawat saling-lahi sa pamamagitan ng wika. Kung ang isang tao ay nakatuklas ng isang mahalagang kaalaman, ang kaalamang ito ay sinusulat niya o kaya'y sinasabi sa isang kakilala. Dahil dito ang kaalamang kanyang natuklasan ay hindi kasamang nalilibing kapag ang taong nakatuklas ay namatay na. Kung sakaling matapos matuklasan ni Benjamin Franklin ang kuryente siya ay namatay nang hindi man lang nya ito naisulat o hindi man lamang nasabi sa isang kakilala, Marahil ay wala pa tayong kuryente ngayon. Sa ganitong pagkakataon masasabi nating ang wika ay gumanap ng tungkuling pag- iingat sa kaalaman. Sa pamamagitan ng wika ang kaalaman ay nanatili o napangangalagaan. Wika rin ang ginagamit na midyum upang ang nabanggit na kaalaman ay mapalaganap. Mabisang gamitin ang wika sa pagtuturo at pagpapalaganap ng kaalaman sa loob at labas ng paaralan.
C. Nagbubuklod ng Bansa - ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang mga mamayan nito. Kung titingnan nating ang mga bansang kalapit natin, mapapansing lahat sila ay nagsisikap na malinang ang kanilang pambansang wika. Ang China na siyang pinakamalaking bansa sa daigdig ay may isang pambansang wika, ang Mandarin. "Ang mga Indonesyan, noong sila ay nakikipaghamok sa mga Olandes upang makamit ang kalayaan ay sumisigaw ng "Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tuna-ir!" (Isang Bansa! Isang Wika! Isang Inangbayan!). Maagang nakilala ng mga Indonesyan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pambansang wika upang ang kanilang mga mamayan ay mabuklod. Kaya naman ang unang ginawa nila matapos makamit ang kasaimlan ay bumuo sila ng isang Bahasa Indonesya na ngayon ay kanilang wikang pambansa buhat sa lahat ng wikaing sinasalita sa kanilang bansa." (Relova: 1973)
D. Lumilinang ng Malikhaing pag-iisip - ayon kay Reynaldo L. Aguilar (1994), ito ang pinakamahalagang tungkuling ng wika, sapagkat dito pinaiiral ang malikhaing paglalang ng mga bagong pamamaraan at bagong paniniwala. Sa tungkuling ito, ang wika ay kinakailangang matatas at maunlad. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela, parang nararamdaman natin ang nararamdaman ng pangunahing tauhan dahil pinagagana ng wika at ating imahinasyon. Sa pamamagitan ng payak at tiyak na panuto, naituturo sa ating ang paggawa ng isang bagay kahit hindi natin nakikita kung paano ito ginagawa. Dahil sa wika maraming mga bagay ang nabubuo, nalilikha o naiimbento. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng idea ng mga tao, nakabubuo sila ng mga bagong konsepto na humahantong sa paglikha o pag- imbento ng mga bagong bagay.
- Etimolohiya
Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitanglengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.
Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika.Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila(piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika
casino to reopen in Maryland
TumugonBurahinThe gaming floor at The Cove and MGM 전라남도 출장안마 National Harbor have reopened MGM Resorts International, the 영천 출장마사지 owner of MGM National 울산광역 출장안마 Harbor Jan 22, 2020 춘천 출장안마 · 보령 출장샵 Uploaded by Casino Junkie